Halimbawa ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin
- Deskripsyon ng produkto - pagpapakilala at pagbibigaykatangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili.
Ang iba pang mga teknikal na sulatin:
- Feasibility study -Pag-aaral na isinasagawa bago lumikha ng isang negosyo o proyekyo.
- Naratibong ulat -Ito ay isang ulat sa parang naratibo o pasalaysay. Karaniwang nakikita ang narrative report mula sa ibat-ibang ahensya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa Gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang organisayon o institusyon.
- Paunawa/ Babala at Anunsyo -Nagbibigay impormasyon sa mga nakakabasa nito. -Nakatutulong ang mga babala upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba pang hindi kanaisnis na pangyayari para sa isang indibidwal.
- Menu ng pagkain -Talaan ng mga pagkain mabibili sa isang karinderya, fast food o restaurant. -- - - nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat pagkain upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y abot kaya para sa kanila.